Higit 2,000 libo katao, nakilahok sa Color Fun Run ng Sibuyas Festival 2018!

Dinaluhan ng higit dalawang libong partisipante  ang pangalawang taon ng Color Fun Run na ginanap sa Pamilihan ng Bayan ng  Bongabon  bilang bahagi ng  10 araw na selebrasyon ng Sibuyas Festival 2018.

Ito ay kinabibilangan ng mga mamayan ng Bongabon, agencies, party seekers, zumba goers/lovers, LGBT, maging turista at  mga balik-bayan.

Eksaktong alas singko ng madaling araw,  sinimulan ang programa kung saan sabay sabay na tumakbo ang mga partisipantes sa  kani-kanilang piling kategorya ng takbo sa  1k2k at 5k.

Hinihingal man ay game na game pa din sa masayang karera ang mga kalahok habang sinasabuyan ng colored powder at binabasa ng tubig mula sa fire truck ang  bawa’t kilometrong natatapos nito

Ayon kay konsehal Christian Padilla Binuya, na siyang pinuno at isa sa mga organizers ng Color Fun Run,   mas malawak ang network nila ngayon kaya masasabi nyang  naging matagumpay ito.

Dagdag pa niya, ito ay sumisimbolo ng  pagdiriwang ng maganda at masaganang ani ng sibuyas sa Bongabon  na mayroong    pagkakaisa ang mamayan ng Bongabon.

Matapos ang ilang oras na takbuhan, muling nag ipon-ipon ang mga kalahok para makizumba at makiparty sa mga mahuhusay na Disk Jockey o DJ’s.

Habang sabay-sabay na inihagis paitaas ang colored powder na nagmistulang makapal na hamog saka itinuloy ang kasiyahan

Layunin nito ay upang magsama-sama  ang mamayan ng Bongabon para ipadiwang ang magandang ani ng sibuyas sa kanilang  lugar  na siyang nagsisilbing buhay ng mga tiga-Bongabon, kaya may roong  Sibuyas Festival taun taon.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *