Makukulay at magarbong kasuotan, tampok sa Nueva Ecija biggest 100 Models Search 2018

Humigit kumulang Animnapu’ng kandidata ang naglaban laban sa Grand Festival Finale ng  tinaguriang  pinakamalaking patimpalak sa  lalawigan ngayong taon. Ang biggest 100 Models Search 2018 na ginanap sa SM City Cabanatuan.

Nagsimula sa 121 na mga aspiring models, masusing pinili hanggang naging isang daan at sa bawat paghimay ay unti unting nababawasan ang mga modelo na sumailalim sa iba’t ibang workshops at modeling.

Ang naglaban laban sa Grand Festival Finale ay ang kategorya mula sa Kids, Teens and LGBT Community. Dalawa lang ang pinagbasehan ng patimpalak suot ang kanilang Official T-shirt  kung saan sinuri ang kanilang pagiging malikhain. High Festival fashion Attire, na  tinatampok ang iba’t ibang makukulay at  naggagandahang disenyo ng kanilang kasuotan.

Sa aming panayam kay Adrian Manaois, Creative Director ng Nueva Ecija  100 Models Search 2018 , mahalagang  matuklas ang talento  at potensyal na meron ang mga kabataan upang mahasa at mahubog sila upang sa  ganun ay maging inspirasyon aniya sila sa iba pang mga kabataan na ipakita ang kanilang talento at kakayahan.

Dagdag pa nito, nagpahayag din sya ng kanyang nararamdaman sa tagumpay ng naturang event na dinagsa at tinangkilik ng mga tao.

Kaugnay nito, ang mga itinanghal na mga nanalo ay sina Brandon Fernando #.32 at Dioni Rose Pulbosa #.51 bilang TITLEHOLDER, TEENS KING and QUEEN , John Reign Nartates #.3 at Charnelle Mapindan #.9 bilang TITLEHOLDER, KIDS PRINCE and  PRINCESS , naiuwi naman ni Marcoux Dela Cruz #.58  ang korona bilang TITLEHOLDER, GAYS QUEEN , si Colline Buan #.46 naman ang FIRST RUNNER UP, SECOND RUNNER UP- Giselle De Vera #.41, THIRD RUNNER UP- Reygane Javate #. 15 FOURTH RUNNER UP- Sheryl Leigh Gamboa #.13 at si Angela Paltao #.22 ang itinanghal na GRAND WINNER ngayong taon.

Kabilang din sa naimbitahan upang mag alay ng kanta sa mga kandidata ay sina Johann Sebastian Emanuel Ramirez mula sa The Voice Teens  at Mark Ahron Cabalona na mula sa  The Voice Kids Philippines na parehong pride ng  mga  Novo Ecijano.

Layunin nito ay upang makilala at mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang may talento at kakayahan dito sa loob ng lalawigan. Mahubog ang kanilang talento at mapataas ang kanilang tiwala sa sarili sa pagkamit ng kanilang mga minimithi sa buhay.

Ang mga nanalo ang syang magrerepresenta bilang Ambassadors ng DCA Production-ang produksyon sa likod ng Nueva Ecija 100 Models 2018. Bukod sa Sash, Trophy, Certificate at Cash Prize na kanilang natanggap ay magkakaroon din sila ng Monthly Photo Shoot at  Bibigyan ng pagkakataong makita at mapanood sa TV pati  ang maimbita sa iba’t ibang ganap katulad ng Charity Event, Feeding at Gift Giving Program sa lalawigan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *