VM Umali, nagbabala sa publiko vs fake news

Hinihikayat ni Cabanatuan Vice Mayor Anthony Umali ang publiko na maging vigilant pagdating sa mga nagkalat na fake news site sa internet partikular na sa social media site na facebook.

Hindi aniya lahat ng nakikita sa social media ay totoo bagkus ito ay dapat munang suriin bago paniwalaan at i-share sa iba. 

Ayon sa Bise Alkalde, maituturing na noon pa man ay biktima na siya sa kabi-kabilang batikos at maling impormasyon na ipinapakalat ng mga kalaban niya sa politika.

Ang masamang epekto pa umano nito, na ang kasinungalingan ay nagmumukang tama sa mata ng publiko.

Sa pahayag pa ni Vice Mayor Umali, hindi niya ugali na patulan ang bawat isyung ibinabato sa kaniya dahil may tamang panahon at tamang lugar para sagutin ang lahat ng alegasyon sa kaniya Punto Por Punto.

Naniniwala ang Bise Alkalde, na darating ang panahon na maliliwanagan ang ilang netizen at malalaman ang katotohanan sa likod ng mga isyu. –Ulat ni Danira Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *