2019 Annual Budget ng mga bayan at lungsod, inadapt na ng mga komite ng Sangguniang Panlalawigan

Sa isinagawang Joint Committee Hearing ng Committee on Finance, Budget, and Appropriation at Committtee on Laws, Rules and Regulations ng Sangguniang Panlalawigan ay inadapt na ang panukalang Annual Budget ng dalawampu’t dalawang siyudad at munisipalidad para sa taong 2019.

Kabilang ang San Jose City na mayroong pinakamalaking budget na P849 milyon, sumunod ang Gapan City na mayroong P782 milyon, Science City of Muñoz na may P584 milyon at Palayan City na mayroong P458 milyon.

Maging ang apat na pu’t pitong panukalang 2018 Supplemental Budget at siyam na kahilingan ng 2019 Annual Investment Plan (AIP) ay inadapt na rin ng dalawang komite.

Habang inilipat naman sa iba’t-ibang departamento ang mga panukalang ordinansa at resolusyon ng mga lokal na pamahalaan upang mapag-aralan.

Kagaya na lamang ng Resolution No. 45-s-2018 na naglalayon na maglaan ng P2,049,500.00 bilang tulong sa mahigit apat na libong Senior Citizens sa bayan ng Rizal.

Samantala dahil napag-abutan na ng bagong administrasyon, pansamantalang ini-lay on the table ng mga komite ang mga naiwang kahilingan ni Former Gov. Cherry Umali.

Kagaya ng panukalang P20-m budget para sa pagsasaayos ng San Isidro-Pulo-Bulualto Road sa bayan ng San Isidro at ang P703,000 para sa pagpapasemento ng kalsada sa Brgy. Dicarma, Cabanatuan City.

Kasama rin ang paglalaan sa “Farm Machinery Assistance Project” ng Provincial Government na huhugutin sa napanalunan ng probinsiya na kalahating milyong piso mula sa Department of Agriculture sa pagkapanalo bilang Rice Achiever’s Awardee Finalist noong 2015.

Makikipag ugnayan muna ang Sangguniang Panlalawigan kay Gov. Oyie Umali upang maaksyunan ang mga kahilingan.
Ang mga dininig na panukala ay ang mga naiwang trabaho ng nakaraang Sangguniang Panlalawigan dahil sa ginanap na mid term elections. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *