23 KANDIDATA NG BB. NUEVA ECIJA WALANG KEMENG RUMAMPA NANG NAKA-SWIMSUIT

Walang kemeng rumampa ang dalawampu’t tatlong kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2015 sa Harvest Hotel at Sm Mega Center noong sabado suot ang kanilang swimsuit.

Nagpaseksihan at nagpagalingan sa pagpose at pagproject ang mga kandidata na kitang-kita ang confidence sa pigura ng kanilang mga katawan.

Ayon kay Provincial Tourism Officer Tina Wycoco-Paulino Rodriguez, ang mga official candidate ng Bb. Nueva Ecija ay tatanghalin bilang mga ambassador ng turismo sa bawat bayan at lungsod na kanilang kinabibilangan. Aniya, isa itong pagsusulong sa lalong pagganda at pag-unlad ng turismo sa lalawigan.

Ngayong nalalapit na nga ang gabi ng koronasyon para sa tatanghalin bilang Bb. Nueva Ecija 2015 na kasabay na idaraos sa ARAW NG NUEVA ECIJA sa September 2, 2015, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga kalahok upang maiuwi ang korona.

Labis naman ang pasasalamat ng ilang candidate sa kani-kanilang mga pamilya na siyang nangunguna sa pagsuporta sa kanila.

Samantala, sa darating na August 22, 2015 magpapaligsahan naman sa kanilang magagarang modern Filipiniana dresses ang mga kandidata na gaganapin sa Sm Mega Center at iaanunsyo ang mananalo sa September 2 kasabay ng ilan pang nagwagi sa mga naunang kompetisyon kabilang ang best in swimsuit. Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *