24 Local and Overseas Companies and Agencies, nag-alok ng trabaho sa mga Novo Ecijano

   Mahigit kumulang isang libong trabaho ang inalok ng dalawamput apat na Local and Overseas Companies and Agency sa mga Novo Ecijano sa Jobs Fair na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali.

Ginanap ang Trabahong Umali for Local and Overseas Employment para sa mga Novo Ecijano na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.
Ginanap ang Trabahong Umali for Local and Overseas Employment para sa mga Novo Ecijano na ginanap sa Freedom Park, Cabanatuan City.

   Labing-pitong kumpanya para sa Local Employment at pitong ahensya para sa Overseas Employment ang nagbigay ng pag-asa sa mga Job seekers upang makahanap ng trabaho sa ginanap na Trabahong Umali Jobs fair, kamakailan.

   Isa si Christian Pagcanlungan sa mga aplikante na nagbakasakaling makahanap ng trabho sa Job Fair na ito.

   Naniniwala si Christian na sa ginawa nitong paghahanda para sa Job Fair ay makukuha niya ang inaasam na trabaho.

   Malaking pasasalamat ang pinaabot  nito kay Governor Cherry Umali dahil sa oportunidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga Novo Ecijanong katulad niya na makakuha ng disenteng hanapbuhay.

   Mapalad namang na-hired on the spot si Mary Ellen Fernandez sa one day process ng Sutherland Tarlac.

   Payo nito sa kapwa Job seekers na maging totoo lamang sa sarili pagdating sa Job interview.

   Ayon kay Peso Manager Michael Calma, aabot sa humigit kumulang isang libong vacancies ang inalok ng dalawampu’t apat na kumpanya at Ahensya.

Dinagsa ang Job fair na ito ng daan-daang Novo Ecijano sa Iba’t-ibang parte ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Dinagsa ang Job fair na ito ng daan-daang Novo Ecijano sa Iba’t-ibang parte ng lalawigan ng Nueva Ecija.

   Ito ang Ikatlong Jobs fair na isinagawa ngayong taon na naglalayong mailapit sa mga Novo Ecijano ang mga trabaho mapa-lokal man o ibang bansa sa pakikipagtulungan ng iba’t-ibang Kumpanya, Ahensya at ng Pamahalaang Panlalawigan. -Ulat ni Majoy Villaflor


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *