25 Young Novo Ecijanos lusot sa Interview para sa TOYNE 2015

1Pasok  sa interview ang labing isang Young Professionals  at labing apat na Student Nominees para sa Search for  The Outstanding Young Novo Ecijanos 2015 na idinaos sa PYDC Office Cabanatuan City.

Ikatlong taon na ngayon ng programang TOYNE  na isinasagawa  sa probinsiya bilang paghahanda sa pagsalubong sa ika isang daan at labing siyam na taon ng lalawigan.

Nabuo ang naturang programa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan,

kasama rin ang mga naging hurado mula sa Department of Labor and Employment o (DOLE), Department of Education, at KIWANIS International.

22Nagmula sa ibat-ibang bayan ang mga lumahok at nagpakitang gilas sa interview.

Kinilatis mabuti ng mga hurado ang bawat kandidato sa pagtatanong na kanila narin nakakitaan ng potensyal na nababagay bilang tatanghaling Young Outstanding Novo Ecijanos

Naging Chairman of the board of Judges naman si Provincial Field Officer ng DOLE of Nueva Ecija na si  May Lynn C. Gozun.

Dagdag pa ni Gozun na mula sa kabataan ay nakakakuha din ng mga inputs at insights kung papaano mabibigyan ng mas makabuluhang pagsisilbi sa larangan ng kabataan.

Ilan naman sa mga lumahok ay aming nakapanayam ukol sa mga naging tanong sa kanila ng mga hurado.

Kung sakali namang manalo si Francis Albert Mendoza ay makakatulong siya sa lalo pang ikagaganda ng Youth Development, Youth Participation, at youth Empowerment.

Ayon kay Billy Jay Guansing na siyang tumatayo bilang Chairman ng Provincial Youth Development  Council na ang Toyne ay magpapatuloy pa sa mga susunod na taon para sa mga kabataang nagnanais din makasali.

Malalaman ang resulta ng isinagawang interview sa mga susunod na araw at igagawad ang parangal sa mga mananalo  kasabay sa pagdiriwang ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija sa Nueva Ecija Convention Center sa September 2, taong kasalukuyan. Ulat ni Bituin Rodriguez

[youtube=http://youtu.be/3ho6OLFjHLQ]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *