250 pulis at sibilyan, tumakbo laban sa kriminalidad

Eksaktong alas singko trenta ng umaga noong Sabado, October 20, 2018 ay sabay – sabay na tumakbo ang mga partisipante sa naturang fun run na sinimulan sa harap ng Nueva Ecija High School o NEHS at nagtapos sa Sto. Nino Parish Church sa Kapitan Pepe Cabanatuan City.
Kitang kita na nag – enjoy ang bawat – isa sa fun run kung saan ay nag warm – up pa ang mga ito bago sinimulan ang pagtakbo.

Ayon kay Police Superintendent Renato Morales, Chief ng Police Community Relations Branch o PCRB layunin ng programang ipaalam sa publiko na ang sibilyan at ang kapulisan ay nagkakaisa para masugpo ang lumalaganap na krimen dito sa lalawigan.

Nasungkit ni Johnred Martin ang pagkapanalo sa 3 kilometer run habang si Aaron Maghiyan naman ang nagwagi sa 5 kilometer run na kapwa mga sibilyan.

Ayon kay Aaron, isa sa mga nanalo ang dahilan ng kaniyang pagsali ay para ipakita ang kanyang suporta sa kapulisan at gayundin ay makaiwas sa mga bisyo sa pamamagitan ng pagtakbo.

Mensahe naman ni Police Superintendent Morales na sana ay mas lumawak pa ang suportang natatanggap ng kapulisan sa mga Novo Ecijano para sa mas mabilisang pagsugpo sa kriminalidad sa probinsya.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *