27 kalahok sa Binibini at Ginoong San Antonio, nagpamalas ng galing sa pagrampa

Mula sa Swimsuit Attire Competition, Casual Attire, at Formal Attire Competition ipinamalas ng labinglimang kandidata at dabingdalawang kandidato ang kanilang galing sa larangan ng pagrampa.

Maging sa pagsagot sa question and answer portion ay hindi nagpahuli ang mga ito para patunayan na hindi lang ganda at gwapo ang meron sila  kung hindi mabilis rin sa pagsagot sa tanong na ibabato para sa kanila ng mga judges.

Janna Althea Reyes at Izen Louie Ferrer , itinanghal bilang Ginoo at
Binibining San Antonio 2020

Nauiwi nina Janna Althea Reyes mula sa Barangay. San Francisco at Izen Louie Ferrer  mula sa Barangay. Sto. Cristo. ang titulo ng pagkapanalo ngayong taon.

Hakot award din ang itinanghal bilang Binibining San Antonio na si Althea dahil nasungkit rin nito ang Best in Swimwear, Best in Casual Wear, Ms. Photogenic at Ms. Mb creative salon.

Matatandaan rin na hindi ito ang unang beses na sumabak si Althea dahil sumali narin ito noong nakaraang taon. 

Ayon sa organizer ng Binibining San Antonio na si Randy Fernandez masaya siya dahil very successful ang naging pagdaraos ng kanilang programa.

Pasok naman sa top para sa Ginoong San Antonio sina Mark Anthony Paz, na nasungkit ang 1st runner-up, Renniel Estrella na naiuwi ang 2nd runner-up, Carl Glen Bitangcol para sa 3rd runner-up at Ivanne Christian Sarmiento bilang 4th runner up.

Para naman sa top 5 ng Binibining San Antonio ay wagi sina Gerrah Evea Domingo bilang 1st runner-up, Patricia Ann Parungao bilang 2nd runner-up, Emerlyn Sulit para sa 3rd runner-up at Niña Faustino bilang 4th runner-up.

Inaasahan naman na ang susunod na hakbang ni Binibining San Antonio 2020 ay makapasok o maging representante ng Miss. Philippine’s Earth 2020 kung sakaling pasok ito sa qualification.ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *