29 barangay, tumanggap ng financial assistance mula sa Provincial Government of Nueva Ecija

Personal na inabot ni Gov. Czarina “Cherry” Umali ang financial assistance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa dalawampu’t siyam na barangay.

(Photo courtesy of Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano)

Bawat tseke ay nagkakahalaga ng P65,000 na gagamitin bilang pambili ng mga semento at materyales para sa mga proyekto katulad ng pagpapagawa at pagpapaayos ng mga kalsada.            

Kaugnay nito ay nagpaalala si Gov.Umali sa mga kapitan na sundin ang bidding process at liquidation para sa mga pagawain ng barangay.

(Photo courtesy of Serbisyong Matapat para sa Novo Ecijano)

Ang mga naturang barangay ay mula sa bayan ng Sto. Domingo, Bongabon, Llanera, Rizal, Cuyapo, Gabaldon at Zaragoza.

Ayon naman kay  Punong Barangay Nestor Nemenso na isa sa mga nakatanggap ng ayuda, nalulubog na sa putik ang mga taong dumadaan sa kanilang baku-bakong bpathway kaya naman malaking tulong sa kanilang barangay ang naturang ayuda.

Gayundin ang ilang barangay sa Gabaldon na gagamitin ang pinansyal na tulong para sa road concreting. –Ulat ni Irish Pangilinan

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *