29 MSME sa Nueva Ecija, itinampok ang mga produkto sa ikatlong Taas Noo Novo Ecijano Trade Fair

Ipinakita ng dalawampong micro small and medium enterprises mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Nueva Ecija ang kanilang mga produkto sa ikatlong taas noo novo ecijano na inisyatiba ng department of trade and industry.

Bukod sa mga pagkain ay mayroon ding mga  sandals  at iba’t ibang produkto ang itinampok sa limang araw na trade fair.  Katulad ng lamp shade, paso at kasangkapan na gawa sa mga recycled material na likha ng Xanders Design.

Sa panayam kay  Jason Duran Natividad ng Xanders Designs  ipinaliwanag nito na ang   mga maliliit na negosyanteng Novo Ecijano ay tinutulungan ng DTI upang makilala ang kanilang mga produkto sa  pamamagitan ng mga seminars, workshops, product branding at iba pang programa ng ahensya.

Ang kanilang produkto ay hindi lamang maganda at mura kundi gawa pa sa mga recycled material na ang layon ay makatulong sa kalikasan. Ang kanilang mga paso ay gawa sa mga lumang damit na ginawang paso  na dinadala na sa iba’t ibang lugar sa Region 3 at kanila nang na-showcase abroad.

Ito na ang pangatlong Taas noo Novo Ecijano  Trade fair ng DTI sa Nueva Ecija  na nagsimula dalawang taon na ang nakakaraan.

Holistic ang pagtulong ng Department of Trade and Industry sa mga maliliit na negosyante.

Dahil mula sa pagpili ng produkto hanggang sa pagpapataas ng kalidad ng lasa at packaging ay katuwang ng mga  negosyante ang DTI. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *