29 na Barangay sa Nueva Ecija, idineklarang drug free ng PDEA

Inihayag ni Investigation Agent 3 Roel Calayan, Assistant Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency, Nueva Ecija na 29 Barangay na ang naitatalang drug free at lima ang drug cleared sa lalawigan sa ginanap na joint meeting ng Provincial Development Council, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Provincial Peace and Order Council.

Iniulat din ni NEPPO Provincial Operations and Plans Branch Chief Police Superintendent Norman Cacho na mayroong 69 sa 849 na Barangay ang hindi apektado ng droga.11 Barangay naman ang nabigyan ng drug free certificate. 780 ang naitalang apektado ng droga na klinasipika sa slightly, moderately at seriously affected.

Ibinalita din ni Cacho na simula Disyembre 5, 2017 nang muling ipatupad ang Double Barrel Campaign ng pulisya ay umabot sa 937 na mga drug personalities ang sumuko sa lalawigan bukod pa rito ang 575 na arestado sa mga isinagawang operasyon.

Sa kabuuang kampanya kontra sa ilegal na droga ay umaabot na sa 29,309 ang mga drug surrenderees kung saan 4, 232 rito ay ang bilang ng mga graduates  sa reformation program.

Habang 25,077 pa ang nakatakdang sumailalim sa recover and wellness program kasama si Fr. Arnold Abelardo ng Ako Saklay Incorporated.

Nilinaw naman ni Fr. Abelardo, na ang tinatanggap lang sa Reformation Center ay ang mga boluntaryong sumuko at hindi mga taong napilitan o tinakot lang.

Dagdag pa nito ay may after care pa para sa mga reformist paglabas ng mga ito matapos ang programa na umaabot sa 30 to 45 days. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *