2nd Batch ng KMMEP, nagsipagtapos na

Nagsipagtapos na ang Labing Pitong Mentees ng 2nd Batch ng Kapatid Mentor Micro Enterprise Program ng Department of Trade and Industry.

 Pormal nang nagtapos ang labingpitong mentees mula sa ikalawang batch ng Kapatid Mentor Micro Enterprise Program na programa ng Department of Trade and Industry.

Layunin ng programa na matulungan ang mga negosyante na lalong paunlarin ang kanilang mga negosyo at produkto tulad ng

Glamorosa enterprise, Andy’s homemade food products, Jervin’s herbal products, Jayna’s wines, Gawang kabyaweño, Seven  seeds food products  at iba pa.

Sampong modules ang nilahukan ng mga mentees kabilang ang  Marketing, Entrepreneur Mindset, Business module Canvast, Taxation, finance at marami pang iba.

Isa sa mga nagsipagtapos sa sampong module si Milagro Hipolito.

Ayon sa kanya, natutunan niya na isa sa pinakamahalagang bagay sa pagnenegosyo ang pagpaplano.

Ayon naman kay Bi Pili, malaking tulong ang sampung modules ng programa upang matulungang umunlad ang mga maliliit na negosyo sa probinsiya.

Dagdag pa nito pagkatapos ng graduation ay imomonitor ang implementasyon ng mga plano upang makita ang resulta ng mga ito.

Samantala, tatlong mentees pa sa second batch ang sumasailalim sa remedial class sa ibat ibang probinsya na inaasahang doon narin magtatapos. -Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *