3 Golden Gavel Award, iginawad kay Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali

Nakatanggap ng tatlong Golden Gavel Award si Cabanatuan City Vice Mayor at Nueva Ecija Vice Governor-elect Emmanuel Antonio Umali, bilang pagbibigay pugay sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa tungkulin bilang Presidente ng Nueva Ecija Vice Mayorsโ€™ League of the Philippines, Chairman ng VMLP ng Central Luzon at Executive Vice President VMLP sa National.

Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, ang Golden Gavel ay ang pinakamataas na award na iginagawad sa isang Vice Mayor bilang Presiding Officer dahil sa magandang performance nito sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Maliban sa tatlong Golden Gavel ay tumanggap din aniya siya ng mga papuri mula sa kanyang mga kasamahang Bise Alkalde dahil sa kanyang pagkapanalo bilang Bise Gobernador ng lalawigan ng Nueva Ecija.

Dagdag ni VM Umali, sa kabila ng natanggap na award at mga papuri ay nararapat lamang na manatiling mapagpakumbaba ang isang katulad niyang Lingkod Bayan at maging inspirasyon ng mga susunod na uupo at manunungkulan sa taumbayan.

Para kay Umali, naging makulay ang kanyang panunungkulan bilang Pangalawang Punong Lungsod dahil sa dami ng mga pagsubok na kinaharap niya sa Sanggunian

ngunit nagpatibay naman aniya sa kanya bilang indibidwal at bilang lingkod bayan.

Sa tulong ng Liga ng mga Bise Alkalde sa buong bansa at sa mga isinasagawang Seminars ay marami aniya itong natutunan na kanya namang naisabuhay at nagamit upang makapagbigay ng serbisyo sa mamamayan.

Lubos din ang kanyang pasasalamat sa mga kababayang nagluklok sa kanya sa posisyon at nagbigay ng tiwala sa kanya na tinumbasan naman aniya nito ng matapat na paglilingkod.โ€” Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *