3 opisyal sa Central Luzon, kasama sa Narco list

Sa aming ekslusibong panayam kay Alfa Krista Cruz, Program Manager ng Department of the Interior and Local Government- Nueva Ecija, ay inamin nito sa amin na tatlong opisyales ang kinilala sa Central Luzon bilang kabilang sa Narco List sa buong Pilipinas base sa datos ng DILG.

Sa pitong probinsya ng Region 3 ay ‘Cleared’ aniya ang lalawigan ng Nueva Ecija ayon sa ibinabang report ng DDB o Dangerous Drug Board mula sa Malacañang.

Kaugnay naman sa random drug testing para sa mga bagong halal na opisyal sa lalawigan ay wala pa umanong eksaktong petsa kung kailan ito gagawin ngunit inaasahan rin ngayong taon.

Layunin ng drug testing ay para mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng kapaligiran alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa implementasyon ng drug free workplace sa bansa.

Ipinaliwanag pa nito na kung magpositibo sa droga ang mga empleyado ng ahensya ay sasailalim sa counselling at mga gastusin. Kung ang elective officials naman ang mapatunayan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay may karampatang parusa na kahaharapin katulad ng kasong Administrative Offense of Grave Misconduct.

Hindi rin aniya basta bastang isasagawa kung saan saan ang drug testing, kasama aniya sa provisions ng DDB Regulations number 13 na ang operasyon ay gagawin sa loob ng opisina o ahensya. hindi rin aniya pwedeng magsagawa ang pribadong drug testing facilities kung hindi accredited ng DOH at counterpart ang gobyerno.

Hiling ni Kruz na sana ay mapabilang ang lalawigan sa isa sa mga probinsiya sa Pilipinas na madedeklara bilang ‘Drug free Province’.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *