3 tulak umano ng droga, patay sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Nueva Ecija

Patay ang tatlong tulak umano ng droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad sa Nueva Ecija noong Martes July 2, 2019.

4:50 ng madaling araw nang makipag transaksyon ang mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station sa suspek na si Dennis San Gabriel Sr., 43 years old sa barangay Talipapa.

Binaril umano ng suspek ang pulis na nagpanggap na bumibili ng shabu ngunit nakailag ito at gumanti ng putok na ikinamatay ni San Gabriel.

 4:30 naman ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation sa barangay Rio Chico ang General Tinio Police Station.

Base sa report ng pulisya, nanlaban ang suspek na si Ernesto Dejanio Estevez alyas Jun na residente ng Mabini Extension, Cabanatuan na nagresulta sa pagkakapaslang nito.

8:50 naman ng gabi sa barangay Malasin, San Jose City nang mapatay ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang bilang si alyas Buboy matapos na makapagbenta ng Marijuana.

Habang nagbabarilan ang mga otoridad at ang suspek ay mabilis namang tumakas ang kasabwat nito sakay ng isang itim na MIO type motorcycle.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *