30 Amateur Boxers mula sa iba’t ibang kategorya, wagi sa bakbakan 2019

Sa mahigit limampong amateur boxers na lumahok sa bakbakan 2019 na edad dose hanggang dalawamput dalawa, tatlumpo ang nagwagi.

Ang mga kalahok ay mula sa mga bayan ng Carranglan, Rizal, Laur, Lupao, Cuyapo, Sta Rosa, Quezon, San Isidro, San Leonardo, Bongabon at mga lungsod ng Palayan at Cabanatuan.

Karamihan sa mga nagwagi ay via unanimous decision, may iba namang umayaw o sumuko sa kalagitnaan ng labanan at mayroon din na knock’out.

Ito ay taunang isinasagawa ng Sports And Youth Office Of Nueva Ecija upang mas lalong mahubog ang kakayanan ng mga batang novo ecijano sa kanilang galing sa larangan ng boxing.

Ito rin ay isa sa oportunidad ng mga kabataan na madiscover lalo at mabigyan ng tyansa na makapag-laro sa national sakaling mapili sila na ipanlaban sa ibang bansa.

Bilang ng mga magagaling na amateirs boxers sa Nueva Ecija mas dumami

Ngayong taon ay sinasabi na mas marami ang bilang ng mga kabataan na nag-improve sa nasabing larangan, mas magagaling sumuntok dahil ang karamihan ay nakaranas ng matinding pagsubok sa pag-eensayo upang lalong mas maipakita ang kanilang kakayanan.

Ang Malasakit sa Isports at Kalusugan ay bahagi lamang ng Malasakit Program ng Pamahalaang Panlalawigan na layuning maitaas ang larangan ng boxing sa lalawigan at maging sa ibang bansa.

Inaasahan naman na muling sasabak ang mga maglalaro ng boxing sa Nueva Ecija sa susunod na taon. -Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *