33 barangay sa Sta. Rosa, nakatanggap ng munting regalo mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Maagang pamasko para sa mga mamamayan ng tatlumpu’t tatlong barangay sa Sta. Rosa ang kanialang natanggap na munting regalo mula sa pamahalaang panlalawigan.

Ikinatuwa ng mga ito ang programang gift giving ni Gov. Czarina “Cherry” Umali katuwang si former Gov. Aurelio “Oyie” Umali dahil kahit aniya sa maliit na bagay ay naipadama ang pagmamalasakit sa kanila.

Samantala, nagkaroon din ng maikling programa sa bawat barangay na binisita ng ina at ama ng lalawigan na nagpasaya sa mga bata, matatanda, at bawat isang naroroon.

Una naman rito ay nagtungo rin ang pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Gabaldon, Laur, Bongabon, General Natividad at lungsod ng Palayan para rin sa gift giving.

Samantala, ayon sa Public Employment Service Office manager na si Ma. Luisa Pangilinan, ang programang gift giving ay sinimulan ni Former Gov. Oyie noong 2013 at ipinagpatuloy ni Gov. Cherry. –Ulat ni Irish Pangilinan


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *