33 Exhibitors, lumahok sa 2nd Taas Noo Novo Ecijano Trade Fair

Tatlumpu’t tatlong exhibitors kabilang ang mga Micro, Small and Medium Enterprises Development Council, National Government Agencies , Non-Government  Organizations at mga estudyante  ang nakiisa sa pangalawang araw ng 2nd Taas Noo Novo Ecijano Trade Fair na ginaganap sa SM City Cabanatuan, August 28, 2018.

 Sa aming panayam kay Brigida Pili, Provincial Director ng Department of Trade and Industry sa lalawigan, positibo silang maaabot ang target sale na 500 thousand pesos dahil mas maraming maganda, mura at de kalidad na produkto ang inihain sa mga Novo Ecijano.

Tinalakay din sa softopening ng event ang enterpreneurship, mindset, mentoring, money or market access , packaging, promotion at product labeling.  

Hinikayat  naman ni pili ang mga mamimiling Novo Ecijano na tangkilikin ang mga lokal na produkto upang matulungan ang mga maliliit na negosyante sa probinsiya.

Inilarawan naman Ni  Lorna Mae Vero, Provincial Tourism Officer, na pang  ‘world class’  ang mga produkto at gawa ng mga Novo Ecijano sa patnubay ng DTI at ng MSMED Council sa mga maliliit na negosyante sa lalawigan.

Para naman kay Jennelyn Melos Santos at Joshua De Leon na parehong estudyante ng Nueva Ecija University of Science and Technology at kumukuha ng kursong Business Administration, napakalaking pribelehiyo sa  kanila ang mapili at mabigyang pagkakataon na matutunan ang mga istratehiya at magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo.

Layunin nito na mabigyang pagkakataon ang mga lokal na negosyante na maipakilala ang kanilang mga bagong produkto.

Ang trade fair ay nagsimula noong Lunes Agosto 27, 2018 at  magtatapos sa  September 2, 2018. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *