338 Cross Breed na kambing, ipinamahagi sa Bayan ng Gabaldon, Laur at Lungsod ng Palayan

   Pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ang daan-daang magsasaka ng Bayan ng Gabaldon, Laur at Lungsod ng Palayan ng mga kambing bilang ayuda o tulong dahil sa pagsalanta ng bagyong Lando noong nakaraang taon.

   Sa pamamagitan ni Former Governor Aurelio Umali bilang kinatawan ni Governor Czarina “Cherry” Umali, ay naipamahagi ang tatlong daan at talumpot walong cross breed na kambing, sa ilalim ng Typhoon Lando Livestock Rehabilitation Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ni Former Governor Aurelio Umali ang tatlong daan at tatlumput walong cross breed na kambing sa mga magsasakang lubhang nasalanta ng Bagyong Lando sa mga Bayan ng Gabaldon, Laur at Lungsod ng Palayan.
Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ni Former Governor Aurelio Umali ang tatlong daan at tatlumput walong cross breed na kambing sa mga magsasakang lubhang nasalanta ng Bagyong Lando sa mga Bayan ng Gabaldon, Laur at Lungsod ng Palayan.

   Apat napung porsyento ng mga kambing na ito ay mga buntis dahil sa isang kasunduan na ang unang babaeng anak na kambing ay ibabalik ng mga benepisyaryo sa Pamahalaang Panlalawigan na muli namang ipamimigay sa iba pang Novo Ecijano na nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno.

   Mahigpit ang tagubilin ng dating Gobernador na ang mga kambing na ito ay hindi dapat na katayin o ibenta kundi dapat na alagaan at paramihin bilang alternatibong pagkakakitaan ng mga pamilyang nawalan ng pangunahing hanap-buhay.

   Nangako naman ang mga benepisyaryo na hindi sisirain ang tiwalang ibinigay sa kanila at labis na nagpasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa biyayang natanggap mula dito.

   Hindi lamang ito ang pagkakataon na magpapamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng ayuda para sa mga magsasakang lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo, dahil sa mga darating na buwan o araw ay muli itong lilibot upang ibsan ang suliraning pangkabuhayan ng mga Novo Ecijano. –Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *