VM Umali at Dobol P, magkasabay na bumoto sa Cabanatuan City

Alas-diyes impunto ng umaga nang magkasabay na dumating sina  Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali kasama ang kanyang kaibigan na si anchor/tv host Philip “Dobol P” Piccio sa Lazaro Francisco Intergrated School upang bumoto ng kanilang napupusuang kandidato para sa Barangay and SK Election 2018.

Sa clustered precint number 00094 na kwarto pumasok ang Bise Alkalde.

Habang bumoboto ay kapansin-pansin na maingat na nilista ni Umali ang mga pangalan mula sa kaniyang baong listahan.

Naging mabilis ang kaniyang pagboto na halos umabot lamang ng limang minuto.

Samantala si Dobol P naman, ay bumoto sa clustered precint number 00096 at isa-isa ring maingat na nilista ang pangalan ng mga kandidato na ninais niyang manalo.

Matapos ang maayos at mabilis na pagboto ng dalawa ay malugod na nakipagkamay at nakipagkamustahan sa mga mamamayan doon.

Si Umali at Piccio ay lehitimong residente at botante ng Brgy Kapitan Pepe, Cabanatuan City. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *