Nitong nagdaang Huwebes, September 6, 2018, ay isinagawa na ang final notice o ang ikalawa at huling consultation para sa bayan ng Cabiao at lungsod ng Gapan na ginanap sa kani-kanilang munisipyo.

Ayon kay Engr. Dennis Agtay, hepe ng Provincial Planning and Development Office o PPDO, ang mga may-ari o di kaya ay mga tenant ng mga lupang masasakupan ng naturang proyekto ay mapip[ilitang Hainan ng expropriation case o eminent domain.

Ang expropriation o eminent domain ay ang kakayanan ng estado o gobyerno na kuhanin ang pribadong lupain para sa pampublikong proyekto na malaki ang magiging benepisyo at maitutulong sa mamamayan kung saan babayaran ang lupa sa halagang naaayon sa batas o ang fair market value.

Sa 62 property sa bayan ng Cabiao na magagamit ng Bypass Road Project ay 20 land owner lang ang nakapirma sa kasunduan habang sa mahigit 60 ari-arian sa Gapan ay 29 lang sa mga may-ari nito ang nakalagda.

Ilan lamang sina Mang Felix Lalo, taga Barangay San Gregorio, Cabiao at Aling Filipinas Bautista, taga Barangay Bayanihan, Gapan City sa mga land owner na sumang-ayon sa Bypass Road Project dahil sa mga benepisyong maidudulot ng proyekto tulad ng kaginhawahan sa trapiko oras na matapos ito.

Sinabi ni Engr. Agtay na ang mga hindi pa pumipirma sa kasunduan ay ang mga may ilang katanungan pa hinggil sa presyo na iniaalok ng Provincial Government habang ang iba naman ay representante lang dahil ang mga mismong may-ari ay nasa ibang bansa.

Samanatala, ayon pa rink ay Engr. Agtay, ngayong tapos na ang walong public consultation ay pagsasama-samahin na ang mga hawak nilang pirmadong kasunduan para maisaayos ang pagbabayad sa mga land owner na pumirma at maaari nang isagawa ang bidding para sa proyekto kasabay ng paghahain ng expropriation case, aniya ay target ng Pamahalaang Panlalawigan na masimulan ang proyekto bago matapos ang taon.

Dagdag pa niya ay naipaliwanag naman ng maayos sa mga land owner na masasakupan ng Bypass Road Project ang mga kailangang gawin para sa proyekto at gayundin ay nasagot ang mga katanungan ng mga may-ari at representante na may kinalaman sa bypass road. –Ulat ni Jessa Dizon

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *