NE-TV48 News Update | November 05, 2018 | 3:00PM

Kaso ng Pinay Worker na namatay ng malason sa Saudi tututukan ng DFA

Tututukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker matapos malason sa Saudi Arabia.

Ayon sa pahayag ng DFA, sinisiguro nito sa pamilya ng Pinay Worker na si Emerita Gannaban, 44-anyos na kanilang bibigyang-pansin ang ulat na nakaranas din umano ito ng pagmamaltrato mula sa amo.

Pumanaw noong Oktubre 29 taong kasalukuyan sa isang ospital ang Pinay worker, na halos limang buwan pa lamang na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Aasikasuhin na rin umano ng Philippine Embassy officials sa Riyadh ang pagbalik sa sariling bayan ng bangkay ng biktima sa sandaling lumabas ang resulta ng autopsy.

——————————————————————————————

Filing ng College Admission Test sa Central Luzon State University, bukas na

Maaari nang magfile ng aplikasyon ang mga nagnanais na kumuha ng College Admission Test sa Central Luzon State University.

Magdala lamang ng mga sumusunod: accomplished CLSU-CAT application form, photocopy ng PSA birth certificate, tatlong 2×2 picture, isang white long mailing envelope at P40 para sa mailing stamp.

Isumite ang mga aplikasyon sa CLSU testing and evaluation center na matatagpuan sa IGS building, CLSU.

Pagkabigay ng application form ay makukuha na agad ang test permit. Paalala ng CLSU, walang bayad ang eksaminasyon na ito.
Ang deadline ng submission ay sa December 28 at ang araw ng pagsusulit ay sa darating na January 12 at 13, 2019.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *