3rd Community Summer League ng Crips, nilahukan ng 1,000 Kabataang Novo Ecijano

Isa si Denmark April Busog sa mga Kabataang Novo Ecijano na dumayo at nakiisa sa ikatlong taong Summer League o Sportsfest na inorganisa ng CRIPS o Concern Responsible Idealistic People Society.

Kuwento nito sa amin, isa sa malaking dahilan kaya siya lumahok at bumuo ng samahan ay upang maiwasan nilang magkakaibigan ang masasamang bisyo na sumisilaw sa mga kabataan.

Napakahalaga aniyang may mga ganitong aktibidades sa isang pamayanan dahil dito aniya nahuhubog ang kanilang mga skills at talento partikular sa larong basketball.

Sa panayam naman sa Chairman ng CRIPS na si Jacob Pajarillaga, sinabi nito na kaya nila ito ginagawa ay dahil nais nilang mapag-isa ang isang samahan mapa Teamwork, at Camaraderie ng bawat manlalaro at miyembro ng CRIPS.

Mahalaga rin aniya na may mga ganitong gawain dahil pinapalakas nito ang pisikal na aspekto ng bawat kabataan at isa rin aniya sa paraan upang maiangat ang moralidad at kumpiyansa sa sarili ng bawat kabataan.

Bukod dito, madalas anilang ginagawa ay ang mga community service kagaya ng paglilinis sa kanilang Barangay, outreach program katulad ng pagsasagawa ng gift giving dahil sa pamamagitan nito ay natuturuan ang mga kabataang maging responsable at kapaki-pakinabang sa lipunan.

Nilinaw naman nito sa mga magulang ng mga bata na ang pagsali sa mga ganitong organisasyon ay marami ding magandang naidudulot sa bata mapa-pisikal, emosyonal at spiritwal na aspekto taliwas sa maling pagpapakahulugan ng iba sa mga organisasyon.

Natutuwa naman ang SK Chairman na si Lyca Busalpa dahil sa CRIPS ay mas nabuhay ang pagkakaisa at samahan ng mga kabataan sa kanilang Barangay.

Kabilang sa mga dumalo ay ang PeΓ±aranda Chapter, Gapan Chapter maging ang mga LGBTQ Community.

Sa ngayon nasa mahigit isang libo na ang miyembro ng CRIPS na nakabase sa Gen. Tinio.

Magkakaroon naman ang CRIPS Society ng outreach program sa pamamagitan ng pagbibigay ng School supplies sa mga mag aaral ng Sabangan Elementary School sa Gen. Tinio.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *