4 o’clock habit kontra dengue, isinusulong ng PDRRMO

Sa pahayag ni Richard Austria ng Research and Planning Section nakikiisa ang Pdrrmo sa deng-get out 4 o’clock habit na naglalayong suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok para sa pag-iwas sa pagkalat ng dengue lalo pa ngayon at mabilis ang pag-taas ng kaso ng dengue sa lalawigan.

Nangunguna na aniya ang Nueva Ecija sa buong Region 3 sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue.

PDRRMO, hinihikayat ang municipal at local risk reduction angmanagement officers na magsagawa ng 4 o’clocj habit kontra dengue

Hinihikayat ng Pdrrmo ang lahat ng Municipal at Local Risk Reduction and Management officers na magsagawa ng mga aktibidad sa kanilang lugar upang puksain ang dengue.

Ayon pa kay Austria sinimulan na nila ang pakikilahok sa clean-up drive noong huwebes august 15, 2019 sa pamamagitan ng paglilinis ng palibot ng kanilang tanggapan.

Pagkatapos nito ay isusunod na nila ang fogging.

Mga kawani ng Pdrrmo Nueva Ecija, naghahanda para sa susunod na aktibidad para sa 4’oclock habit kontra dengue

Kasalakuyan namang pinaghahandaan ng mga kawani ng pdrrmo kung saang lugar sila susunod na magsasagawa ng clean-up drive. -Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *