4 unit ng SOCOM Philippine Army, sumabak sa 3 araw na Seminar-Workshop tungkol sa pamamahayag

Pinangunahan ng TV48 News Team ang pagtuturo sa mahigit labing siyam na mga sundalo mula sa Special Forces Regiment Airborne, Light Reaction Regiment, Headquarters Special Operations Command at First Scout Ranger Regiment ng Basic News Writing, Camera Handling, at Video and Photo Editing sa tatlong araw na Seminar-Workshop.

Sinimulan ang Seminar-Workshop noong March 26 at nagtapos ng March 28, kung saan natutunan nila ang pagsusulat ng balita, humawak ng camera at mag-edit ng video at photo.

Hinati ang labing siyam na mga sundalo sa apat na grupo upang gumawa ng presentasyon tulad ng News Reporting, Audio Visual Presentation, Infomercial at Mini Documentary.

Maliban sa lecture at discussion ay tinutukan din ng TV48 News Team ang bawat grupo upang gabayan sa paggawa ng kani-kanilang presentasyon.

Sa huling araw ay isa-isang ipinalabas ang output ng apat na grupo na hinangaan at ikinatuwa naman ni Major Sonny Dungca, Assistant Chief of Staff for Civil Military Operations, G7, SOCOM, Philippine Army.

Ayon kay Major Dungca, hindi nito inaasahan na sa loob ng tatlong araw ay makagagawa ng maayos at magandang output ang mga partisipante.

Dagdag nito, malaking bagay ang ganitong uri ng Seminar-Workshop upang matulungang maipromote ang bawat unit ng SOCOM.

Nagpasalamat naman ang mga partisipante dahil sa dagdag kaalaman na naibahagi sa kanila ng TV48 News Team na kanilang magagamit upang maiparating sa mga mamamayan ang mga impormasyong dapat nilang malaman.—Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *