5 Modules, nilalaman ng mandatory training ng mga nanalong SK Officials

Matapos maiproklama ang mga nanalong opisyales sa Sangguniang Kabataan eleksyon 2018 ay sinimulan na ng DILG o Department of Interior and Local Government  ang SK Mandatory training.

Isang buong araw tatagal ang Mandatory Training ng mga SK officials kung saan itinuro sa kanila ang limang modules. Kabilang dito ang Decentralization and Local Governance na ang ibig sabihin ay ang isang SK na ang  tutukoy sa proyekto pati ang salaping gugugulin para dito.

Sa SK History and Salient Features naman ay tinalakay ang Age Brackets ng mga SK officials. mula 2002, hanggang 2016. Task Force Youth Development naman ang pansamantalang umupo noong 2013 bilang ilang ulit ng naantala ito, kasama din sa modules ang mga pribelehiyo ng SK, Succession and Filing of Vacancies, suspension and Removal.

Sa Meetings and Resolutions naman ay kinakailangang magkaroon ng meeting kahit isang beses sa isang buwan at lahat ng pagpupulong ay kailangang nakatala.

Sa Planning and Budgetting dito tinalakay ang 10% SK Fund na  inilalaan sa programa at proyekto ng Barangay kabilang dito ang Serbisyong pangkalusugan at Edukasyon, Trainings, Sports Development, Solid Waste at iba pang proyektong pangkabataan.

Sa Code of Conduct and Ethical Standards o Republic Act 6713 dito tinalakay  ang norms of conduct ng mga opisyales at empleyado, Time honored principle of Public Office, Observe the standards and personal conduct in the discharge and execution official duties.

Kabilang ang pagsagot sa mga sulat sa loob ng 15 araw dahil maaring ireklamo kapag lumagpas ito.

Kabilang  sa mga bagong halal na SK Officials ay  sina Erika Clarisse Fernando Arenas ng Brgy. Esguerra District, Talavera at  Ernest Zoilo Mercado Pangilinan ng Brgy. Cabu, Cabanatuan City, na parehong inilahad ang kani-kanilang natutunan sa pagsasanay katulad na lamang ng kung paano anila  gamitin ng tama ang budget  para sa nasasakupan,mga  plano para  sa mga proyektong ilalahad  sa Barangay, at Leadership.

Samantala, ibinahagi din ng ibang mga opisyales ang  kanilang Plataporma at mga plano para sa kanilang Barangay.

Ayon kay Rowena Adriano, City Local Government Operations Officer ng DILG San Jose City, mahalaga aniya na makadalo ang Sangguniang Kabataan sa pagsasanay dahil aniya mawawalan ng saysay ang kanilang pinagpaguran sa oras na mabigong makadalo.

Nakatakda namang isasagawa sa May 29, ang SK Federasyon Eleksyon Pambayan At Panglungsod. Dito magsasama sama ang mga elected SK chairman para piliin ang kanilang  Federation leader.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *