5 taong gulang na batang lalaki mula sa GenSan, viral matapos mag order sa online ng pagkain

Viral sa social media ang limang taong gulang na batang lalaki mula sa General Santos City matapos na mag-order ng ibat-ibang klase ng pagkain sa online gamit ang cellphone ng kaniyang mga magulang.

As of September 10, 2020 ay umabot na sa 33,000 reactions, 7, 000 comments at 21, 000 na ang mga nag-share ng litrato ni Gab Gab kasama ang mga inorder nito na i-pinost ng kaniyang ama na si Angelito Respecia sa kaniyang Facebook accout noong September 4, 2020.

Laking gulat ng mga magulang ng bata na sina Angelito at Michelle nang dumating sa kanilang bahay ang food delivery dahil hindi naman sila umorder.

 Ayon sa panayam ng GMA News kay Angelito, nalaman nilang ang kanilang anak ang may kagagawan nito dahil nakikita raw ng bata kung paano sila umoorder ng pagkain gamit ang online delivery application.

Kabilang sa mga naorder ni Gab ay 3 zger terriyaki chiken, 2 bihon guisado, 8 zger sweet and spicy chicken, 1 cappuccino shake at 2 iced buko juice.

Umabot naman sa isang libo at dalawang daang piso ang mga pinamiling pagkain ng bata.

Dahil dito ay minabuti ng mag-asawang Angelito at Michelle na burahin o mag-uninstall na ng food delivery application sa kanilang cellphone upang hindi na maulit ang nangyari.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *