50 tindahan sa palengke ng Bayan ng Guimba, tinupok ng apoy

Umabot Sa fourth alarm ang sunog sa palengke ng Bayan ng Guimba noong madaling araw ng Lunes, kung saan inabo nito ang limampung tindahan at ang itinuturong dahilan ng pinagmulan ng sunog ay ang pagawaan ng Pizza.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire nilamon ng apoy ang mahigit sa tatlumpong porsyento ng pampublikong pamilihan ng nasabing Bayan at kasalukuyan pang inaalam ang tunay na sanhi ng sunog.

Tinataya namang aabot sa dalawang milyong piso ng halaga ang mga nasunog na mga tindahan, na kalimitan ay mga pwesto ng mga school supplies, damitan at kainan.

Naniniwala si Kapitan Diosdado Dela Cruz na nakasasakop sa palengke, na hindi sinadya ang pagsunog sa kanilang pamilihan at ito’y aksidente lamang.

Pinagtanggol naman ni Senior Fire Officer Mario Almazan ng Guimba Fire Station ang kanilang opisina na pinupulaanan ng mga negatibong komento patungkol sa kanilang pagresponde sa mga sunog, partikular ang umano’y palaging walang tubig na fire truck.

Samantala dagdag pa ni Almazan, na lagi umano niyang paalala sa mga may pwesto sa palengke na huwag iiwanan ang anumang appliances na nakasaksak at umiwas sa mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *