5,050 SLOTS SA TWSP NG TESDA, BUKAS PA PARA SA MGA INTERESADONG MAG-APLAY

Bukas pa sa mga interesadong aplikante ang natitirang Limang libo at limampung slots ng TWSP o Training for Work Scholarship Program ng TESDA-Nueva Ecija.

Ayon kay Melanie Grace Romero, Provincial Director ng TESDA-Nueva Ecija, ang mga interesado at kwalipikado sa TWSP ay mangyari lang na bumisita sa kanilang tanggapan.

Sa buong Region III natatanging ang TESDA-nNueva Ecija lamang, ang pinag laanan ng Dalawamput Limang Milyong Pisong pondo para sa TWSP program.

Mula sa target ng kanilang tanggapan na mahigit Walong libong slots ay may natitira pang Limang libo at limampung slots na maaring aplayan.

Dagdag ni Romero, hindi dapat sayangin ng mga kababayan ang ganito kagandang oportunidad, dahil ang programa ay talagang inilalaan para sa mga nagnanais na makapag-empleyo o mag-negosyo ngunit kulang sa kaalaman at kasanayan.

Taon-taon libo-libo ang napagtatapos ng tesda sa buong bansa. Nito lamang nakaraang taon, ay mahigit sa tatlumpung libo ang kanilang napa-graduate at Walumput anim na porsyento nito ay nabigyan ng trabaho o nakapagsimula na ng negosyo.

Patunay lang umano na ang programa ay epektibo para punuan ang skills mismatch ng bansa.

Kabilang sa mga in-demand na kurso ay ang welding, electrical installlation and maintenance, computer system servicing, bartending, cookery at marami pang iba.

Para sa mga interesadong mag-apply ay maaaring makipag-ugnayan sa mga katuwang nilang eskwelahan o magtungo sa kanilang opisina sa Old Capitol, Cabanatuan City.- Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/QsCknwzpbSE]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *