50th Founding Anniversary ng Tau Gamma Phi, ipinagdiwang sa San Jose City

Ipinagdiwang ang ika –limampung anibersaryo ng tinaguriang Triskelion’s Grand Fraternity sa bansa na Tau Gamma Phi na ginanap sa lungsod ng San Jose noong Oktubre 4, 2018.

Ito na ang ikaapat na pagkakataong nag- host ang San Jose City Council at kabilang sa mga naging pangunahing bisita ay si Mayor Mario “Cocoy” Salvador at ang unang Governor General ng Kapatiran sa lalawigan noong April 2004 na si Doc. Anthony Umali.

Sa aming panayam kay Agusto Rey Anthony Laurena, kasalukuyang Governor General ng Nueva Ecija provincial Council, sinabi nito na nagagalak aniya sila sa pagpupunta ni Doc Anthony bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta sa kapatirang Triskelion dahil sa kabila ng pagiging abala nito ay binibigyan pa din aniya sila ng oras at patuloy na tinutupad ang mga binitawang pangako sa kapatiran.

Dagdag pa nito, pinaghandaan nila ito ng husto dahil minsan lang ito mangyari sa loob ng isang taon. Binuhos aniya nila ang kanilang makakaya at magagawa para maisakatuparan ang kanilang gawain.

Layunin aniya ng samahan ay magsilbi, makatulong sa komunidad ng walang hinahanap na kapalit sa papamagitan ng kanilang proyekto sa ibang bahagi ng lalawigan at maipakita na matatag at may pagkakaisa ang kapatiran.

Ayon naman kay Jefferson Peralta,kasalukuyang Vice Governor General ng Nueva Ecija Provincial Council, ipinagpapatuloy lang aniya nila ang mga naiwang legacy ng mga ito.

Ang Chapter at Council na nakiisa sa selebrasyon ay ang District 1: cuyapo, talavera, guimba, District 2: San Jose, Muñoz, Talugtug at Lupao, District 3: Cabanatuan, Pantabangan, at Laur sa District 4 naman ay ang General tiñio at Cabiao.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *