Isa na naman umanong adik sa ipinagbabawal na gamot ang itinumba sa likod ng pampublikong palengke sa Poblacion Sur, Rizal.
Kinilala ang biktimang si Mario dela Cruz y Agustin, 51-anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar. Habang ang apat na mga suspek ay inilarawang nakasuot ng itim na jacket at sombrero, nakatakip ang mga mukha, at nakasakay sa dalawang motorsiklo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, 6:10 ng umaga nang pagbabarilin ng mga na hindi nakilalang suspek ang biktima gamit ang maikling baril.
Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng dalawang motor na isang Kawasaki Bajaj na kulay pula, walang plaka, at isang Mio Yamaha na kulay itim, at wala ring plaka.
Nagtamo ng mga tama ang biktima sa kanyang magkabilang kamay, katawan, at ulo na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.
Cabanatuan- natagpuang nakahandusay ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng irrigation canal sa Purok Champaca ng barangay Bangad.
Nakilala sa pamamagitan ng kanyang voter’s ID ang biktimang si Eduardo Quesada y Francisco, naninirahan sa barangay Atate, Palayan City.
Base sa ulat ng Cabanatuan Police Station, 2:30 ng hapon nang madiskubre ang biktima na may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pinagsanib-pwersa ng pulisya at SOCO ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. – ulat ni Clariza de Guzman.
Copyright © Dobol P 2007-2019