51 kandidato, maglalaban sa iba’t ibang posisyon sa Nueva Ecija

Pinirmahan na as of 5:30 PM ni Atty. Panfilo C. Doctor Jr. ang listahan ng Commission on Elections ng Provincial Office, kung saan naitala ang limampu’t isang kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy kahapon October 17, 2018.

Pito ang naitalang maglalaban laban bilang Gobernador ng lalawigan na pinangunahan ni Eduardo Nonato Joson na bagama’t binawi umano nito ang aplikasyon noong unang araw dahil sa hindi umano ang abogado nito ang pumirma ng kanyang form ay agad din namang naghain ito ng kandidatura pagkatapos maayos ang problema.

Sumunod si Virgilio Bote ng PDP Laban,pangatlo ang kapatid ni Atty. Aurelio Umali na si Gil Raymond Matias Umali, pang apat na naghain ay si Constatantino De Leon, at ang tatlong humabol sa huling araw ay sina Renato Reynaldo Maliwat na PDDS-DPP na isang duktor at siruhano mula bayan ng Talavera, Roberto Pabalan Gavina (PFP) at Apolinario Paladan Balutan ng Lapian.

Apat naman ang naghain bilang Provincial Vice-Governor na kinabibilangan nina Edward Thomas Filart Joson ng PDP-Laban, Ferdinand “Blueboy” Abesamis ng Unang Sigaw, Manolo Hilario Tan ng PDDS-DPP at ang pinakabatang si John Mark Mallare mula Lapian.

Pito ang naitala bilang Board Member sa unang Distrito na sina Fernando Nicandro ng SAMAHNA, Eric Daniel Salazar, Roseller Tuaño De Guzman at Rafael Andrew Villanueva na pare-parehong galing ng Unang Sigaw, Jose Bernando Yango ng BALANE, Reynaldo Soledad Sinchioco (PDDS-DPP) at Renato Ricardo Maliwat(Lapian).

Walo naman ang tatakbo sa pangalawang Distrito na sina Rudolfh Mercado Tomas (PDP-LABAN), Joseph Ortiz at Vincent Agliam na pareho ding Unang Sigaw, Wilfredo Hipolito Serra(PDDS-DPP), Carlos Pascual Cordero, Elaiza Marie Laurin at John Ryan Alejandro na parehong (Lapian ng Pag-Asa) at Esmeraldo Barcelona Abalos.

Pito naman ang nailistang Bokal sa Ikatlong Distrito na sina Darrel Morales at Peter Marcus Adriano Matias na pareho din na galing sa Unang Sigaw, Jo Mario Angelo Matias at Eduardo Jose Joson II na pareho naman na (PDP Laban) Jay Orlando Valino, Herminia Garcia at Joey Gaspar (PDDS-DPP)

Pito din ang tatakbo sa Ikaapat na Distrito na kinabibilangan naman nina Teresita Patiag (Unang Sigaw), Kilalang Direktor na si Jose Reyes Balagtas (Labor Party Philippines) , Nagaño Froilan, Napoleon Interior, Maricel Rufino, Roberto Punong Bayan, at nakababatang kapatid ni Gapan City Mayor Emeng Pascual na si Emary Joy David Pascual mula National Unity Party.

Dalawa naman ang maglalaban bilang Kongresista sa 1st District na si Senior Board Member Rommel Cariño Padilla na isang independiente at incumbent representative congresswoman Estrellita Nito-Onon Suansing ng PDP-Laban.

Tatlo naman sa ikalawang Distrito na sina Abraham Sumig Mauyao mula Puwersa ng Masang Pilipino at ang magbayaw na sina Joselito Francisco Violago na independiente at si Micaela Salvador Violago ng National Unity Party.

Dalawa din sa ikatlong distrito na sina Julius Cesar Vijandre Vergara ng PDP-Laban at Luisito Cobarrubias Ronquillo ng Unang Sigaw.
Dalawa din ang naitala sa 4th district na sina Magnolia Rosa Caram Antonino ng National Unity Party at Alexander Aquino Cumbe ng People’s Reform Party.

Samantala, tatlong kandidato ang humabol sa huling araw ng paghahain ngunit dalawa dito ay idineklarang rejected COC’s o hindi tinanggap ng COMELEC. ito ay na sina Bobby Bautista at Ian Franklin Bote dahil sa hindi pagsunod sa form na pinatupad ng COMELEC.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *