56-anyos na ginang, todas sa tandem; mag-asawa nag-ala Romeo at Juliet, patay

Pinagbabaril ng riding in tandem si Marlyn Binuya habang bumibili sa naglalako ng ulam sa tapat ng kanilang bahay sa brgy. Bagong Sikat, Talavera.
Pinagbabaril ng riding in tandem si Marlyn Binuya habang bumibili sa naglalako ng ulam sa tapat ng kanilang bahay sa brgy. Bagong Sikat, Talavera.

     Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang ginang matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Purok 5, barangay Bagong Sikat, Talavera.

     Kinilala ang biktimang si Marlyn Cachuela-Binuya, may asawa, residente ng naturang lugar.

    Base sa imbestigasyon ng Talavera Police Station, bandang 6:00 ng umaga bumibili sa naglalako ng ulam ang biktima nang dumating ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at bigla  na lamang binaril ng maraming beses ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

     Narekober ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng kaha at dalawang napiyot na bala ng kalibre .45 baril.

      Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay pinag-aaralan pa ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Matapos saksakin ang kanyang asawang si Feliciana ay nagpakamatay si Gerino Salazar sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.
Matapos saksakin ang kanyang asawang si Feliciana ay nagpakamatay si Gerino Salazar sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.

     Sto. Domingo- Nagmistulang Romeo at Juliet ang kinahinatnan ng isang mag-asawa sa Purok 3, barangay Burgos sa bayan ng Sto. Domingo makaraang magpakamatay ng isang mister kasunod ng pagsaksak nito sa kanyang misis.

     Ang biktima ay kinilalang si Feliciana Salazar y Ramos, asawa ng suspek na si Gerino Salazar y Domingo, kapwa 59-anyos, at residente ng nasabing lugar.

     Ayon sa salaysay ni Grace Lyn Valdez, kasambahay ng mag-asawa, dakong 3:00 ng hapon, nasa terrace siya ng bahay nang marinig niyang may sumigaw ng “ARAY”.

     Dahil dito ay tinawag niya ang anak ng mag-asawa na si Gina na nakatira din sa tahanan ng kanyang mga magulang.

     Pagpunta ni Gina sa kwarto ng mga magulang ay nadatnan umano niyang nakatalungko sa gilid ng pintuan ang duguang ina habang may hawak namang kutsilyo ang kanyang ama na inutusan siyang lumabas para humingi ng saklolo.

     Naitakbo sa pagamutan si Feliciana sa tulong ng mga kapitbahay  ngunit hindi na ito umabot na buhay.

     Samantalang si Gerino ay natagpuan na lamang na wala na ring buhay sa loob ng kwarto at pinaniniwalaang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili.

     Nasamsam ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang kitchen knife na may mga bahid ng dugo.

     Napag-alaman buhat sa testimonya ng pamilya ng mag-asawa na madalas nag-iinum si Gerino na nagiging ugat ng pag-aaway nila ni Feliciana.

     Bago umano maganap ang trahedya ay limang magkakasunod na araw na naglalasing si Gerino at namamaalam sa kanyang mga anak.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *