6 na miyembro ng NPA, nagbalik-loob sa gobyerno

Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ang nagbalik loob sa gobyerno na ipinrisinta sa media ng 703rd Infantry Brigade nitong huwebes, July 12, sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ayon kay LTGEN Emmanuel Salamat, Commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM), ang mga rebel returnees ay masasaklaw ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Sa ilalim ng programa, pagkakalooban ng tulong pinansiyal at pangkabuhayan ang mga dating rebelde.

Sa pahayag ng isa sa mga rebelde, nahikayat siya na magbalik loob dahil napagtanto niya na walang kinabukasan sa pamumundok at pakikidigma sa gobyerno.

Dagdag pa na maayos ang pakikitungo ng mga sundalo sa kanila.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang anim na matataas na kalibre ng baril at ilang bala nito.

Umaasa ang pamahalaan na ang mga nagsisuko ang maging daan upang maakay ang iba pang mga kasapi ng kilusan na magbagong buhay.

Target ng militar na maging insurgency-free ang probinsiya bago matapos ang taon.

Matatandaan na kamakailan lamang ay may sumuko na siyam na rebelde sa 84th IB sa San Jose City. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *