60-Anyos na Lolo Hinarang at Pinagbabaril Habang Papauwi, Dedo; Magsasaka, Pinagbabaril ng Nagpanggap na Ahente ng Lupa

Sabog ang ulo ng 60-anyos na si Reynaldo Rigdao nang harangin at pagbabarilin sa daan.
Sabog ang ulo ng 60-anyos na si Reynaldo Rigdao nang harangin at pagbabarilin sa daan.

Patay ang isang lolo matapos harangin sa daan at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo sa barangay Sta. Lucia, bayan ng Guimba.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Rigdao y Pagarigan, may asawa, water tender ng National Irrigation Administration, at residente ng naturang lugar.

Samantala ang suspek ay nakasuot ng kulay pulang helmet, itim na jacket, at maong pants.

Base sa imbestigasyon ng Guimba Police Station, 9:44 ng gabi, lulan ng kanyang minamanehong motor ang biktima papauwi sa kanilang tahanan ng harangin at bigla na lamang pinagbabaril ng suspek sakay ng kulay pulang single Honda motorcycle.

Agad na namatay ang biktima at mabilis namang tumakas ang suspek.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng caliber .9 mm.

Cuyapo- Pinagbabaril ng lalaking nagpanggap na buyer at ahente ng lupa ang isang magsasaka sa kanyang sariling tahanan sa barangay Bued, bayan ng Cuyapo.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Rodolfo Flores y Bendol, 47-anyos, binata.

Pinagbabaril ng nagpanggap na ahente ng lupa ang isang magsasaka sa bayan ng Cuyapo.
Pinagbabaril ng nagpanggap na ahente ng lupa ang isang magsasaka sa bayan ng Cuyapo.

Inilarawan naman ng mga saksi ang suspek na may taas na 5’3 hanggang 5’5, maputi, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng putting long sleeves at maong na pantalon.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, bandang 6:30 ng umaga, bumili ng sigarilyo ang suspek sa tindahan na pag-aari ng nanay ni Rodolfo at nagkunwaring namimili ng lupa.

Ngunit nang makita ng suspek ang biktima ay bigla na lamang itong pinuntirya sa ulo na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

Nakatakas ang suspek lulan ng isang putting Honda XRM na walang plaka patungo sa direksyon ng Rosales, Pangasinan.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian.- ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *