62-anyos na Mekaniko, Natagpuang Patay sa Gilid ng Kalsada Lalaking Kabilang sa Drug Watch List, Binoga ng Tandem

Patay na ang isang lolo nang matagpuan sa gilid ng kalsada sa barangay Sto. Nino 2nd, San Jose City.

Ang biktima ay kinilalang si Maximo Sonio y Pascua, may asawa, residente ng barangay Calaocan, ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nanggaling ang biktima sa bahay ng kanyang anak na babae sa barangay Sto. Nino 3rd at naglalakad pauwi sa kanyang tahanan katulad ng nakagawian na nito.

Ngunit hindi na nakauwi ang biktima, nadiskubre na lamang ito ng isang tricycle driver na nakahandusay at may mga sugat sa dibdib.

San Antonio- Dead on the spot ang isang lalaking kabilang sa drug watch list ng pulisya matapos barilin ng riding in tandem sa barangay Papaya, bayan ng San Antonio.

Ayon sa ulat, nakaangkas ang biktima sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ama habang binabagtas ang kahabaan ng San Antonio-Zaragoza provincial road nang bumuntot ang tandem sakay ng isang motor.

Paglingon umano ng biktima ay inasinta ito ng gunman sa kanyang noo na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan. -Ulat ni Clariza De Guzman


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *