67-anyos na lolo, natagpuang patay; kagawad, tigok sa tandem; Number 10 drug personality sa Quezon, itinumba

Nakahandusay sa lapag ng isa sa mga kwarto ng GL hotel, Cabanatuan City si Renato Bayan nang matagpuang wala ng buhay.
Nakahandusay sa lapag ng isa sa mga kwarto ng GL hotel, Cabanatuan City si Renato Bayan nang matagpuang wala ng buhay.

   Natagpuang patay ang isang 67-anyos na lolo sa loob ng GL Hotel sa Pilomina St. Donya Adela Subdivision, barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City.

   4:20 ng hapon nang madiskubreng nakahandusay sa loob ng room number 704 ng naturang hotel ang biktimang wala ng buhay na si Renato Bayan y Garcia, may asawa, at residente ng barangay San Josef Norte, ng nasabing lungsod.

   Ayon kay Erickson Gabriel y Gatanghel, 29-anyos, room attendant, 10:20 ng umaga ng makita niyang nagcheck-in ang biktima kasama ng isang hindi nakilalang babae na lumabas ng kwarto dakong 11:45 ng umaga.

  Narekober ng SOCO sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang Honda wave 100 motorcycle na kulay pula na may plate number 9054 YN.

Papauwi na si Kag. Arsenio Emana Sr. sakay ng kanyang motor ng pagbabarilin ng tandem sa Maharlika hi-way, Talavera.
Papauwi na si Kag. Arsenio Emana Sr. sakay ng kanyang motor ng pagbabarilin ng tandem sa Maharlika hi-way, Talavera.

 Talavera- patay ang isang kagawad matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok tres ng barangay San Pascual.

   Kinilala ang biktimang si Arsenio Emana Sr. y de Leon alyas Balong, 64-anyos, may asawa, Barangay Councilor at residente ng barangay Sicsican Matanda, Talavera.

   Base sa imbestigasyon ng pulisya, 6:00 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papauwi ng bahay nang paputukan ng maraming beses ng mga suspek mula sa likuran gamit ang kalibre kwarenta’y singkong baril.

   Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

   Quezon-isa na namang drug personality ang itinumba sa bayang ito. Magkasunod na araw ng paslangin ng parehong riding in tandem ang dalawa sa listahan ng priority target ng Quezon Police Station ng mga personalidad na sangkot sa illegal na droga.

   Batay sa report ng otoridad, 8:20 ng umaga nang barilin ang biktimang si Sherwin Sison y Saguitan, 40, may asawa, residente ng barangay Ilog Baliwag, Quezon, pang sampo sa tala ng mga drug personalities ng istasyon ng pulisya sa bayang nabanggit.

Nakaupo sa waiting shed sa barangay Dulong Bayan, Quezon si Sherwin Sison nang paputukan nang ng tandem.
Nakaupo sa waiting shed sa barangay Dulong Bayan, Quezon si Sherwin Sison nang paputukan nang ng tandem.

   Sinubukang ipagamot ang biktima ngunit hindi na ito umabot na buhay sa ospital samantala ang mga suspek ay mabilis na tumakas makaraang maisagawa ang krimen.- ulat ni Clariza de Guzman.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *