7 Novo Ecijanong mga dating OFW, binigyan ng bagong hanap-buhay

Pinagkalooban ng bagong hanap-buhay ng TESDA, Ako ang Saklay Incorporated, at Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PESO ang pitong Novo Ecijanong mga dating OFW

Sa pamamagitan ng Pakikipag Ugnayan ng PESO sa ako ang Saklay Incorporated ay nabigyan ng pagkakataon na muling magkaroon ng trabaho ang mga dating OFW na nag-aral ng Dressmaking sa TESDA.

Lubos ang pasasalamat ng mga mananahi kay Governor Aurelio Umali at sa Ako ang Saklay sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na muling magkatrabaho. Dagdag pa nila na, isang malaking tulong ito sa kanila sapagkat libre ang kanilang tirahan at pagkain.

Labis ang paghihirap na inabot ni Nanay Marivic Reyes sa kamay ng kanyang employer bukod sa pananakit ay ginugutom siya ng mga ito kaya naman napaiyak si habang binabalikan ang masalimuot niyang karanasan bilang OFW.

Naglalayon ang programa na mabigyan ng trabaho ang mga OFW na nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa ibang bansa.

Ilan sa kanilang tinatahi ay facemask, apron at echo bag. Ibinibigay ang ibang facemask sa iba’t ibang ospital sa Nueva Ecija habang, ang iba naman ay ibinebenta ng tatlong piraso sa kada isang daang piso.

Sa mga nagnanais na bumili ng kanilang produkto ay makipag-ugnayan lamang sa Ako ang Saklay Incorporated.

Watch-7 Novo Ecijanong mga dating OFW, binigyan ng bagong hanap-buhay


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *