76 asosasyon ng magsasaka sa Nueva Ecija, ginawaran ng combine harvester at iba pang mga gamit pang-saka

Limampu’t dalawang units ng combine harvester certificate, 20 units ng seed spreader at apat na units ng floating tiller certificate ang ipinagkaloob sa pitumpu’t anim na asosayon ng magsasaka mula District 1 hanggang District 4 sa lalawigan ng Nueva Ecija,na bahagi ng Farm Mechanization Program ng Department of Agriculture, na ginanap sa Ampitheater, Capitol Building, Palayan City kahapon September 12, 2018.

Sa aming panayam kay Evelyn C. Fernando, kinatawan ng Department of Agriculture Region Office 3, sinabi nito na ang mga ginawaran ngayong taon ay mga samahan ng mga magsasaka na pili at Kwalipikadong makakatanggap ng mga gamit pang-saka.

Dagdag pa nito, dumaan sa masusing pagsisiyasat ang mga benepisyaryo bago makatanggap ng assistance dahil may ‘criteria’ aniya silang sinusunod na binaba nila sa Office of The Provincial Agriculturist (OPA).Una ay kailangan aniyang magkaroon sila ng isang daan at dalawampung porsyento na ipon, pangalawa ay vina-validate o pinupuntahan nila ang lugar kasama ang task force ng OPA at DAR at kapag umakma ito saka aniya pa lang sila                          maku-kwalipika, may ranking din aniya bago gawaran ang mga recepients.

Layunin din aniya nito na maagang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka lalo na sa produksyon ng bigas.

Ayon naman kay Serafin Santos, prayoridad ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Agriculture ang mga nakaprograma sa mga magsasaka sa lalawigan kaya sa susunod na taon ay Drying Facilities with warehouse naman ang ipapamahagi.
May paalala naman si Santos sa mga magsasakang nakatanggap ng mga kagamitan pang-saka.

Nabanggit naman ni Telma Panahon, Manager ng Cooperative Enterprise for through Economic Reform, ang kanilang mga kailangan upang matugunan ang pangarap na magkaroon ng Rice processing center sa kanilang lugar.

Para naman kay Villamor C. Ragudo, Pangulo ng Bangon Cuyapo, ito na ang sagot sa pinakahihintay nilang tulong mula sa gobyerno.dahil aniya nadi-depress o nalulungkot na ang mga magsasaka dahil walang makinang katuwang sa pagsasaka.- Ulat ni Getz Rufo Alvaran.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *