8 BAGONG UNIT NG AMBULANSYA NA GALING SA PCSO, IPINAMAHAGI NA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA DISTRICT HOSPITALS

1Ipinamahagi na kahapon sa mga district hospitals sa lalawigan ang walo sa labing-isang mga bagong unit ng ambulansya na ipinagkaloob ng (PCSO) Philippine Charity Sweepstakes Office noong nakaraang buwan.

Ayon sa mga hepe ng ospital, malaki ang magiging tulong ng mga bagong ambulansya sa kanilang distrito at mas mapapabilis ang kanilang serbisyo sa publiko lalo na ang mga nangangailangan mailipat sa mga malalaking ospital sa iba’t ibang lugar maging sa pagluwas sa maynila.

Una rito, sinabi pa ng mga hepe na karamihan sa kanilang mga ospital ay iisa ang gumaganang ambulansya kaya naman anila lubos ang kanilang pasasalamat sa Provincial Government partikular kay Nueva Ecija Gov. Oyie Umali maging sa pamunuan ng PCSO sa pagkakaloob ng mga nasabing sasakyan.

 Kabilang sa mga nabiyayaan ng bagong ambulansya ang mga district hospital sa San Jose City, Guimba, Gapan City, San Antonio, Bongabon, Sto. Domingo, Gabaldon at ELJ Hospital sa lungsod ng Cabanatuan.u Ulat ni MARY JOY PEREZ


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *