8 bayan, 2 lungsod, nakiisa sa kauna-unahang Harvest Festival ng Provincial Tourism Office at SM City Cabanatuan

Nakiisa ang walong bayan at dalawang lungsod ng Nueva Ecija sa kauna-unahang Harvest Festival ng Provincial Tourism Office at SM City Cabanatuan Naging makulay at puno ng  musika ang kauna unahang Harvest Festival na sinuportahan ng bayan ng Bongabon, Cuyapo, Guimba, Llanera, Nampicuan, Rizal, San Antonio, Zaragoza, at Lungsod ng  Palayan at San Jose na ginanap sa SM City Cabanatuan Parking Lot. Dinaluhan ito ng SM management,  Provincial Tourism officer Lorna Mae Vero, Chairperson on committee on tourism Sanggunian Panlalawigan Board Member Rommel Padilla .

Sibuyas Festival Bongabon
Corn Husk Festival, Cuyapo

            Layunin nito na maipakita ang ganda ng iba’t ibang selebrasyon ng lalawigan  upang mapayabong ang turismo sa Nueva Ecija. Naniniwala ang SM management na malaki ang potensyal ng Lalawigan sa turismo at sa pagdiriwang na ito ay maipakikita rin ang pakikiisa ng SM management sa layunin na ito. Ipinakita dito ang ibat ibang festival katulad ng Sibuyas Festival ng Bongabon, Corn Husk Festival ng Cuyapo, Ragragsak Ti Guimba ,Banuar A Mannalon ng Llanera,Moringga Festival ng Nampicuan, Calamansi Festival Palayan City, Palay Festival ng Rizal, Walis tambo festival ng  San Antonio, Pagibang Damara Festival ng San Jose at Harvest Festival ng  Zaragoza.

Harvest Festival, layong tumulong sa pagpapa lago ng turismo sa lalawigan ng Nueva Ecija – SM City Management

Ayon kay Tourism officer Lorna Mae Vero ito ay isang mahalagang simula para sa tourismo sa lalawigan ng Nueva Ecija.  At nawa ay mas marami pa ang dumalo at makiisa sa harvest festival sa susnod na taon.  – Ulat ni Amber Salazar

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *