8 taong gulang na Novo Ecijanang modelo, nakapag-uwi ng gintong medalya sa WCOPA 2019

Biktima umano ng pambubully sa social media ang Grade 3 student na si Jasmine Heart Domingo o mas kilala sa pangalang Jaha, na naging inspirasyon at nagtulak sa kanyang inang si Aireen na isabak sa Beauty Pageant at Modeling ang bunsong anak.

Kwento ni Mommy Aireen pitong taong gulang palang si Jaha nang simulan nila itong isali sa mga pageant at sa loob ng isang taon ay marami na itong achievements dahil sa bawat patimpalak na salihan niya ay talaga namang hakot award ito.

Pinakamababa umano nitong naiuwing award ay ang 1st runner up dahil kadalasan siya ang nakakakuha ng title o ng korona.

Nitong July 12-21, 2019 ay sumabak sa pagrampa si Jaha bilang kinatawan ng Pilipinas sa 23rd World Championship of Performing Arts sa Long Beach, California, USA, na isa sa pinakamalaking patimpalak na sinalihan nito.

Tatlong gintong medalya, dalawang bronze at isang plaque bilang Division Winner ang napagtagumpayang maiuwi ni Jaha, kaya naman sobrang proud ng kanyang mga magulang sa kanya.

Sa panayam namin kay Jaha, sinabi nito na nasa isang daang mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa ang kanyang mga nakalaban na nalagas sa dalawampu’t siyam sa Semi-finals hanggang sa naging siyam na lamang sila sa pinale.

Si Jaha ay simple at tipikal na batang malambing at consistent honor student pero pagdating sa entablado ay palaban sa rampahan.

Sobra din ang kasiyahan ni Jaha dahil sa suportang natatanggap nito mula sa mga magulang kasama na rin ang mga suporta mula sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

Samantala, isa pang Novo Ecijanang mang-aawit na si Marielle Charlize Montenegro ang nakapag-uwi din ng gintong medalya para sa bansa.

Nasungkit ni Marielle ang gold medal sa original composition, isang gold medal pa uli para sa Over-all Champion Group Production ng Pilipinas, dalawang silver medal para sa Broadway and Gospel, isang bronze medal para sa Contemporary, isang Semifinalist Badge at Division Champion Plaque.β€” Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *