911 system, ilulunsad ng PDRRMO

Masayang ibinalita ni Governor Czarina Umali na naglaan ng Php20-Million na budget ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office para makapaglunsad ng 911 system o emergency and rescue telecommunication network.

Sa ginanap na Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council, Provincial Disaster Risk Reduction Management Council at Provincial Development Council, inilahad ni PDRRMO Chief Michael Calma ang nilalaman ng Annual Investment Plan for 2019 na may kabuuang halagang Php158, 247, 417.00.

Mahigit Php47-Million ay inilaan para sa Quick Response Fund na ginagamit kapag nasa ilalim ng state of calamity ang lalawigan .

Hinati naman sa tatlong proyekto ang 70% ng budget upang mabawasan ang pagbaha at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mamamayan.

Partikular sa rehabilitasyon ng mga ilog ng bayan ng PeƱaranda at Gabaldon at pagsasagawa ng pagsusuri sa mga pasilidad at imprastraktura.

Php3.6-Million ang para sa mga programa sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at dalawang milyong piso para sa iba pang rehabilitation and recovery programs.- ulat ni Clariza de Guzman

https://youtu.be/U8PGIOQL3zM


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *