Abogadong pinatay sa Talavera, nailibing na; CCTV footages ng pagbaril sa gasoline girl sa Cabanatuan City, inilabas

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Atty. Bayani Dalangin sa Eternal Gardens, Cabanatuan City, kahapon March 3, 2020.

Sa isang panayam kay Police Colonel Victor leon Rosete, Provincial Director ng Nueva Ecija, sinabi nito na nagsasagawa na ang kapulisan ng follow-up investigation sa kasong pagpatay kay Atty. Dalangin.

February 28, alas syete kinse ng gabi habang kausap ng abogado ang isang kliyente sa kanyang opisina sa Poblacion Sur, Talavera ay pinagbabaril ito ng suspek na naka-hood sakay ng motorsiklo.

Itinakbo pa sa Talavera General Hospital si Dalangin ngunit idineklara itong dead on arrival.

Nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines, Commission on Human Rights sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na magsagawa ng kagyat at komprehensibong pagsisiyasat sa pamamaslang sa abogado upang mabigayan ito ng hustisya.

Si Atty. Dalangin ay pang apatnapo’t walong abogado ng pinatay mula noong taong 2016.

Samantala, lumabas at kumalat sa social networking site na Facebook ang mga CCTV footages ng gasoline girl na binaril at namatay sa Fuel Gold Gasoline Station sa barangay Talipapa, Cabanatuan City noong February 29, 2020.

Kinilala ang biktimang si Bernadeth Mamangon y Ramos, 29 years old, may asawa, pump attendant, at residente ng barangay Talipapa ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Cabanatuan Police at CCTV footage, alas nueve trenta ng gabi makikita na habang abala sa paggagasolina ang biktima sa pump number 7 and 8 sa customer nito na naka-motor ay pumunta ang gun man sa likuran nito at bigla na lamang siyang pinaputukan sa ulo.

Pagbagsak ng biktima ay kaagad namang kinuha ng suspek ang sling bag nito na napag-alamang may lamang Php2,500.00 na cash at saka umangas sa motorsiklo ng kasabwat pala nito na nagpanggap na customer.

Paalala po sa ating mga kaibigan, lagi po tayong maging alerto at mag-ingat dahil ang krimen ay nangyayari kahit saan, kahit kalian. –ulat ni Clariza de Guzman.

Watct – Abogadong pinatay sa Talavera, nailibing na; CCTV footages ng pagbaril sa gasoline girl sa Cabanatuan City, inilabas


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *