Accreditation ng Civil Society Organizations, suriin! -Vice Mayor Anthony Umali

   Pinapasuri ni Vice Mayor Anthony Umali ang pagbibigay ng akreditasyon sa mga Civil Society Organizations (CSO) na humihingi ng pahintulot mula sa Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan.

   Base sa iprinisentang dokumento ni Umali, na nakasaad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular 2016-97, ang CSO ay kinakailangang may tala ng mga proyekto sa loob ng ng hindi bababa sa isang taon mula ng ito ay maitatag.

   Ayon kay Umali, ang pagbibigay akreditasyon sa mga CSO ay hindi simpleng trabaho lang. Aniya, hindi lang dapat ina-asses ang CSO kundi dapat i-evaluate itong mabuti kung talagang aktibo ang grupo sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang miyembro ng lipunan.

   Dagdag ng Bise Alkalde, walang maliit at malaking trabaho sa Sangguniang Panlungsod. Ang lahat umano ay dapat dumaan sa tamang proseso.

   Giit pa ni Umali, ang mga CSO ay mayroong malaking bahagi sa pagbuo ng pondo sa lungsod o Annual Investment Plan. -Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *