Aktwal na pakikidigma, ipinakita ng mga sundalo ng 7th ID sa mga sibilyan

Ipinakita ng mga sundalo ng 7th Infantry Division sa mga sibilyan kung paano sila nakikidigma sa ginanap na “A Day with the Generals” bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng ika-tatlumpu’t isang anibersaryo.

Unang itinanghal ang halimbawa ng engkwentro ng mga kasundaluhan sa NPA o New People’s Army kung saan ay nagkasa sila ng rescue operation para iligtas ang isang kunwaring naging hostage ng mga ito.

Nag-demonstrate din sila ng paggamit ng mga artillery gun at pinasubukan pa sa mga sibilyan ang pagpapasabog nito.

Sa kaparehong prorama din ay nagpamalas naman ng iba’t ibang exhibition at isang pampasiglang bilang ang ALIGTA Officer Candidate Class 52-19 upang ipakita ang ibang mukha ng mga kasundaluhan na talaga namang kinagiliwan ng mga bisita.

Ayon kay Major General Lenard Agustin, Commander ng 7th ID ito ang unang beses na nagsagawa ang kanilang kampo ng ganitong programa bilang bahagi ng ika-tatlumpu’t isang anibersaryo ngayong araw ng 7th Infantry Kaugnay Division.

Layunin aniya nito na ipakita at ibahagi sa mga sibilyan ang mga kakayanan at talento ng kanilang mga miyembro pagdating sa pakikipagbakbakan.

Dinaluhan ang nasabing programa ng iba’t ibang grupo at sektor kabilang ang mga LGUs o Local Government Units, People’s Organization, religious sectors, youth leaders at media. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *