Album launch ng Artikulo Kwatro, sinuportahan ng mga fans at local artists

Napuno ng musika ang 3100 wings Street ng ganapin dito ang kauna unahang album launch ng bandang Artikulo kwatro. Anim na original composition ang laman ng kanilang album na Bumitaw. Bukod sa Artikulo Kwatro ay ilang mg artists din ang nagpakita ng kanilang talento. 

Ayon kina Eric at Randolf , co owners ng 3100 Wings St.  naniniwala sila na may mararating ang Artikulo Kwatro dahil na rin sa ganda ng musika na nililikha ng mga ito.

Artikulo Kwantro, nag iwan din ng mensahe sa mga kapwa local artists ng            Nueva Ecija

Ayon sa Artikulo Kwatro na simula pa lamang ito at marami pang pagdadaanan ang kanilang banda. Hindi anila madali ang gumawa ng sariling album at maging sila rin ay naka ranas ng mga pagsubok. Paalala naman ng Artikulo kwatro para sa mga nagsisimula pa lamang ay wag mawawalan ng pag asa at patuloy lang na mangarap – Ulat ni Amber Salazar

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *