ALUMNI BATCH 1962-2014 NG SFOC CLASSES, NAKISAYA SA IKA-53RD ANNIVERSARY NG SPECIAL FORCES REGIMENT

Hindi naging hadlang ang edad o anumang karamdaman upang makadalo ang mga alumni at mga retired army mula sa batch 1962 hanggang 2014 ng SFOC o Special Forces Operation Course Classes sa pagdiriwang ng ika-53rd Founding Anniversary ng Special Forces Regiment (Airborne) na dinaluhan din ng kanilang mga pamilya, sa Fort Ramon Magsaysay.

Ang programa ay may temang Special Forces: Competent, Professional and Reliable na tumutukoy sa dedikasyon ng mga kasundaluhan sa pagsisilbi sa tao at pagprotekta sa bayan.

Muling sinariwa ng mga retired Philippine Army Special Forces ang kanilang mga naging karanasan noong sila ay nasa serbisyo pa sa pagsasama-samang muli sa naturang pagdiriwang.

Ayon kay Lieutenant General Eduardo Ermita, ang kanyang karanasan sa serbisyo bilang bahagi ng Special Force ay kanyang itinuturing na pinaka-memorableng karanasan sa kanyang buhay.

Nag-iwan ng mahalagang mensahe si Lieutenant General Ermita sa mga sundalo na makatutulong upang mapanatili ng mga ito ang pagbibigay ng magandang serbisyo para sa bayan.

Pinarangalan din ang ilang mga natatanging Special Forces kabilang ang ilang mga retiradong opisyal para sa kanilang naging kontribusyon sa pagsasakatuparan ng kanilang mga misyon at operasyon.

Kasabay din ng selebrasyon ng kanilang anibersaryo ay ang SFAAI o Special Forces Alumni Association Incorporated Annual General Membership Meeting, kung saan nagsagawa ng eleksyon para sa kanilang Board of Directors.-Ulat ni Philip “Dobol P” Piccio

[youtube=http://youtu.be/e62CycmnJJU]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *