Alvin Alcantara, itinanghal bilang Ginoong Filipinas Luzon 2015

Nasungkit ni Alvin Alcantara ang titulong Ginoong Filipinas Luzon sa ginanap na Ginoong Filipinas 2015.

Pambato si Alvin ng Bayan ng Llanera kung saan noong nakaraang taon ay naiuwi nito ang titulo bilang Ginoong Lllanera 2014.

Lumaban din si Alvin sa Ginoong Nueva Ecija kung saan siya ay naghakot ng mga parangal.

Bata pa lamang ay nasasali na si Alvin sa iba’t ibang patimpalak sa eskwelahan na suportado ng kanyang magulang.

Ngayong taon lamang ay nagtapos na si Alvin ng kursong Criminology sa Araullo University sa edad na 20 taong gulang.

Hindi lamang makisig at charming ayon sa kanyang ina, mabait ding anak si Alvin.

Ang pagsali sa mga pageant at pag-aaral ng mabuti ay paraan ni Alvin upang maging isang huwaran para sa mga kabataan.

Sa ngayon ay naghahanda si Alvin sa pagkuha ng Licensure Examamination at maging isang pulis katulad ng kanyang ama.

Handa rin si Alvin na ituloy ang pagsali sa pageant habang nagtatrabaho.- Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *